Genesis 21

Nang panahong iyon, pumunta si Abimelec kay Abraham kasama ang kumander ng mga sundalo niya na si Picol. Sinabi ni Abimelec kay Abraham, “Tinutulungan ka talaga ng Diyos sa lahat ng ginagawa mo.

Genesis 21:22 (UKJV) And it came to pass at that time, that Abimelech and Phichol the chief captain of his host spoke unto Abraham, saying, God is with you in all that you do:

20Hindi pinabayaan ng Diyos si Ismael hanggang lumaki ito. Doon siya tumira sa ilang ng Paran at naging isa siyang mahusay na mamamana.

21Habang nakatira siya sa ilang ng Paran, ikinuha siya ng mapapangasawa ng kanyang ina mula sa Ehipto.

22Nang panahong iyon, pumunta si Abimelec kay Abraham kasama ang kumander ng mga sundalo niya na si Picol. Sinabi ni Abimelec kay Abraham, “Tinutulungan ka talaga ng Diyos sa lahat ng ginagawa mo.

23Kaya, mangako ka rito sa pangalan ng Diyos na hindi mo ako pagtataksilan pati na ang aking mga lahi. Ipakita mo ang kabutihan mo sa akin at sa lugar na ito na tinitirhan mo ngayon, tulad din ng ipinakita kong kabutihan sa iyo.”

24Sumagot si Abraham, “Isinusumpa ko.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.