32Pagkatapos ng sumpaan nila roon sa Beer-seba, bumalik si Abimelec at si Picol sa lupain ng mga Filisteo.
33Nagtanim si Abraham ng isang punongkahoy na tamarisko roon sa Beer-seba at sumamba siya sa Panginoon, ang Diyos na walang hanggan.
34Nanirahan si Abraham sa lupain ng mga Filisteo sa mahabang panahon.