Genesis 21

Pagkatapos ng sumpaan nila roon sa Beer-seba, bumalik si Abimelec at si Picol sa lupain ng mga Filisteo.

Genesis 21:32 (UKJV) Thus they made a covenant at Beersheba: then Abimelech rose up, and Phichol the chief captain of his host, and they returned into the land of the Philistines.

30Sumagot si Abraham, “Tanggapin mo ang pitong babaeng tupang ito bilang katibayan na ako ang naghukay ng balong iyan.”

31Dahil sa sumpaan nila, ang lugar na iyon ay tinawag na Beer-seba.

32Pagkatapos ng sumpaan nila roon sa Beer-seba, bumalik si Abimelec at si Picol sa lupain ng mga Filisteo.

33Nagtanim si Abraham ng isang punongkahoy na tamarisko roon sa Beer-seba at sumamba siya sa Panginoon, ang Diyos na walang hanggan.

34Nanirahan si Abraham sa lupain ng mga Filisteo sa mahabang panahon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.