29Nagtanong si Abimelec, “Para kanino ang pitong babaeng tupang ibinukod mo?”
30Sumagot si Abraham, “Tanggapin mo ang pitong babaeng tupang ito bilang katibayan na ako ang naghukay ng balong iyan.”
31Dahil sa sumpaan nila, ang lugar na iyon ay tinawag na Beer-seba.
32Pagkatapos ng sumpaan nila roon sa Beer-seba, bumalik si Abimelec at si Picol sa lupain ng mga Filisteo.
33Nagtanim si Abraham ng isang punongkahoy na tamarisko roon sa Beer-seba at sumamba siya sa Panginoon, ang Diyos na walang hanggan.