4Nang walong araw na ang sanggol, tinuli siya ni Abraham ayon sa iniutos sa kanya ng Diyos.
5Isandaang taóng gulang na si Abraham noong ipinanganak si Isaac.
6Sinabi ni Sara, “Pinatawa ako ng Diyos, at kahit sinong makarinig ng tungkol sa nangyari sa akin ay matatawa rin.
7Sino kaya ang makapagsasabi kay Abraham na makakapagpasuso pa ako ng sanggol? Ngunit nagkaanak pa ako kahit matanda na siya.”
8Lumaki si Isaac, at nang araw na naawat na siya sa pagsuso sa kanyang ina, nagdaos si Abraham ng isang malaking handaan.