2Nagbuntis si Sara at nanganak ng lalaki kahit matanda na si Abraham. Isinilang ang sanggol sa panahon na sinabi noon ng Diyos.
3Pinangalanan ni Abraham ang sanggol na Isaac.
4Nang walong araw na ang sanggol, tinuli siya ni Abraham ayon sa iniutos sa kanya ng Diyos.
5Isandaang taóng gulang na si Abraham noong ipinanganak si Isaac.
6Sinabi ni Sara, “Pinatawa ako ng Diyos, at kahit sinong makarinig ng tungkol sa nangyari sa akin ay matatawa rin.