Genesis 21

Pinangalanan ni Abraham ang sanggol na Isaac.

Genesis 21:3 (UKJV) And Abraham called the name of his son that was born unto him, whom Sarah bare to him, Isaac.

1Ngayon, biniyayaan ng Panginoon si Sara at tinupad ang kanyang sinabi gaya ng kanyang ipinangako.

2Nagbuntis si Sara at nanganak ng lalaki kahit matanda na si Abraham. Isinilang ang sanggol sa panahon na sinabi noon ng Diyos.

3Pinangalanan ni Abraham ang sanggol na Isaac.

4Nang walong araw na ang sanggol, tinuli siya ni Abraham ayon sa iniutos sa kanya ng Diyos.

5Isandaang taóng gulang na si Abraham noong ipinanganak si Isaac.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.