Genesis 21

Nagbuntis si Sara at nanganak ng lalaki kahit matanda na si Abraham. Isinilang ang sanggol sa panahon na sinabi noon ng Diyos.

Genesis 21:2 (UKJV) For Sarah conceived, and bare Abraham a son in his old age, at the set time of which God had spoken to him.

1Ngayon, biniyayaan ng Panginoon si Sara at tinupad ang kanyang sinabi gaya ng kanyang ipinangako.

2Nagbuntis si Sara at nanganak ng lalaki kahit matanda na si Abraham. Isinilang ang sanggol sa panahon na sinabi noon ng Diyos.

3Pinangalanan ni Abraham ang sanggol na Isaac.

4Nang walong araw na ang sanggol, tinuli siya ni Abraham ayon sa iniutos sa kanya ng Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.