Genesis 21

Isang araw, nakita ni Sara na pinagtatawanan ni Ismael si Isaac. Si Ismael ay anak ni Abraham kay Hagar na Ehipsiyo.

Genesis 21:9 (UKJV) And Sarah saw the son of Hagar the Egyptian, which she had born unto Abraham, mocking.

7Sino kaya ang makapagsasabi kay Abraham na makakapagpasuso pa ako ng sanggol? Ngunit nagkaanak pa ako kahit matanda na siya.”

8Lumaki si Isaac, at nang araw na naawat na siya sa pagsuso sa kanyang ina, nagdaos si Abraham ng isang malaking handaan.

9Isang araw, nakita ni Sara na pinagtatawanan ni Ismael si Isaac. Si Ismael ay anak ni Abraham kay Hagar na Ehipsiyo.

10Kaya sinabi ni Sara kay Abraham, “Palayasin mo ang babaeng alipin at ang anak niya, dahil ang anak ng babaeng alipin ay hindi maaaring makibahagi sa mamanahin ng anak kong si Isaac.”

11Labis itong ikinalungkot ni Abraham dahil anak din niya si Ismael.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.