Genesis 21

Labis itong ikinalungkot ni Abraham dahil anak din niya si Ismael.

Genesis 21:11 (UKJV) And the thing was very grievous in Abraham's sight because of his son.

9Isang araw, nakita ni Sara na pinagtatawanan ni Ismael si Isaac. Si Ismael ay anak ni Abraham kay Hagar na Ehipsiyo.

10Kaya sinabi ni Sara kay Abraham, “Palayasin mo ang babaeng alipin at ang anak niya, dahil ang anak ng babaeng alipin ay hindi maaaring makibahagi sa mamanahin ng anak kong si Isaac.”

11Labis itong ikinalungkot ni Abraham dahil anak din niya si Ismael.

12Ngunit sinabi ng Diyos sa kanya, “Hindi mo dapat ikalungkot ang tungkol kay Ismael at kay Hagar na alipin mo. Sundin mo ang sinabi ni Sara dahil si Isaac na iyong anak ang pagmumulan ng ibibilang na lahi mo.

13At tungkol naman kay Ismael na anak ni Hagar na iyong alipin, bibigyan ko rin siya ng maraming lahi at magiging isang bansa rin sila, dahil anak mo rin siya.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.