Genesis 21

Ngunit sinabi ng Diyos sa kanya, “Hindi mo dapat ikalungkot ang tungkol kay Ismael at kay Hagar na alipin mo. Sundin mo ang sinabi ni Sara dahil si Isaac na iyong anak ang pagmumulan ng ibibilang na lahi mo.

Genesis 21:12 (UKJV) And God said unto Abraham, Let it not be grievous in your sight because of the lad, and because of your bondwoman; in all that Sarah has said unto you, hearken unto her voice; for in Isaac shall your seed be called.

10Kaya sinabi ni Sara kay Abraham, “Palayasin mo ang babaeng alipin at ang anak niya, dahil ang anak ng babaeng alipin ay hindi maaaring makibahagi sa mamanahin ng anak kong si Isaac.”

11Labis itong ikinalungkot ni Abraham dahil anak din niya si Ismael.

12Ngunit sinabi ng Diyos sa kanya, “Hindi mo dapat ikalungkot ang tungkol kay Ismael at kay Hagar na alipin mo. Sundin mo ang sinabi ni Sara dahil si Isaac na iyong anak ang pagmumulan ng ibibilang na lahi mo.

13At tungkol naman kay Ismael na anak ni Hagar na iyong alipin, bibigyan ko rin siya ng maraming lahi at magiging isang bansa rin sila, dahil anak mo rin siya.”

14Kinabukasan, maagang kumuha si Abraham ng pagkain at tubig na nakalagay sa sisidlang-balat, at inilagay niya ito sa balikat ni Hagar. Pagkatapos, umalis si Hagar kasama ang kanyang anak. Naglakbay sila sa ilang ng Beer-seba na hindi alam kung saan sila pupunta.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.