Genesis 21

At tungkol naman kay Ismael na anak ni Hagar na iyong alipin, bibigyan ko rin siya ng maraming lahi at magiging isang bansa rin sila, dahil anak mo rin siya.”

Genesis 21:13 (UKJV) And also of the son of the bondwoman will I make a nation, because he is your seed.

11Labis itong ikinalungkot ni Abraham dahil anak din niya si Ismael.

12Ngunit sinabi ng Diyos sa kanya, “Hindi mo dapat ikalungkot ang tungkol kay Ismael at kay Hagar na alipin mo. Sundin mo ang sinabi ni Sara dahil si Isaac na iyong anak ang pagmumulan ng ibibilang na lahi mo.

13At tungkol naman kay Ismael na anak ni Hagar na iyong alipin, bibigyan ko rin siya ng maraming lahi at magiging isang bansa rin sila, dahil anak mo rin siya.”

14Kinabukasan, maagang kumuha si Abraham ng pagkain at tubig na nakalagay sa sisidlang-balat, at inilagay niya ito sa balikat ni Hagar. Pagkatapos, umalis si Hagar kasama ang kanyang anak. Naglakbay sila sa ilang ng Beer-seba na hindi alam kung saan sila pupunta.

15Nang naubos na ang kanilang tubig, iniwan niya ang anak niya sa ilalim ng isa sa mga mababang punongkahoy

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.