19Pagkatapos nito, bumalik sila Abraham sa kinaroonan ng kanilang mga alipin. At bumalik sila sa Beer-seba at doon na nanirahan.
20Pagkalipas ng ilang panahon, nabalitaan ni Abraham na ang kapatid niyang si Nahor ay may mga anak kay Milca:
21Si Uz ang panganay, sumunod sina Buz, Kemuel (ang ama ni Aram),
22Kesed, Hazo, Pildas, Jidlaf at Betuel.
23Si Betuel ang ama ni Rebeca. Silang walo ay ang mga anak ni Nahor kay Milca.