4Nang ikatlong araw ng kanilang paglalakbay, nakita ni Abraham sa di-kalayuan ang lugar na sinabi sa kanya ng Diyos.
5Kaya sinabi ni Abraham sa dalawa niyang alipin, “Dito muna kayo at bantayan ninyo ang asno, dahil aakyat kami roon upang sumamba sa Diyos. Babalik din kami agad.”
6Ipinapasan ni Abraham kay Isaac ang mga kahoy na gagamitin sa paghahandog, at siya ang nagdala ng itak at sulo.
7Habang naglalakad sila, sinabi ni Isaac, “Ama!” Sumagot si Abraham, “Bakit anak?” Nagtanong si Isaac, “May dala po tayong sulo at panggatong ngunit nasaan po ang tupa na ihahandog?”
8Sumagot si Abraham, “Anak, ang Diyos mismo ang magbibigay sa atin ng tupang ihahandog.” At nagpatuloy sila sa paglalakad.