26Yumukod agad ang alipin at sumamba sa Panginoon.
27Sinabi niya, “Purihin ang Panginoon, ang Diyos ng aking amo na si Abraham. Ipinakita niya ang kanyang kabutihan sa aking amo. Ako mismo ay ginabayan niya sa pagpunta ko sa mga kamag-anak ng aking amo.”
28Patakbong umuwi si Rebeca sa bahay ng kanyang ina at sinabi niya sa kanila ang lahat ng nangyari.
29May kapatid na lalaki si Rebeca na nagngangalang Laban. Tumakbo siya papunta sa balon upang puntahan ang taong sinasabi ni Rebeca.
30Noong nakita ni Laban ang singsing at pulseras na suot-suot ni Rebeca at narinig ang salaysay niya tungkol sa mga sinabi ng lalaki, pinuntahan niya ito at nakita niya itong nakatayo sa tabi ng mga kamelyo sa balon.