Genesis 24

Noong nakita ni Laban ang singsing at pulseras na suot-suot ni Rebeca at narinig ang salaysay niya tungkol sa mga sinabi ng lalaki, pinuntahan niya ito at nakita niya itong nakatayo sa tabi ng mga kamelyo sa balon.

Genesis 24:30 (UKJV) And it came to pass, when he saw the earring and bracelets upon his sister's hands, and when he heard the words of Rebekah his sister, saying, Thus spoke the man unto me; that he came unto the man; and, behold, he stood by the camels at the well.

28Patakbong umuwi si Rebeca sa bahay ng kanyang ina at sinabi niya sa kanila ang lahat ng nangyari.

29May kapatid na lalaki si Rebeca na nagngangalang Laban. Tumakbo siya papunta sa balon upang puntahan ang taong sinasabi ni Rebeca.

30Noong nakita ni Laban ang singsing at pulseras na suot-suot ni Rebeca at narinig ang salaysay niya tungkol sa mga sinabi ng lalaki, pinuntahan niya ito at nakita niya itong nakatayo sa tabi ng mga kamelyo sa balon.

31Sinabi ni Laban sa kanya, “Kayo pala ang taong pinagpala ng Panginoon. Bakit pa kayo nakatayo lang diyan? Halikayo sa bahay, dahil inihanda ko na ang silid para sa iyo at ang lugar para sa mga kamelyo ninyo.”

32Sumama ang alipin kay Laban. Pagdating nila sa bahay, ibinaba ni Laban ang mga karga ng mga kamelyo at binigyan niya agad ang mga kamelyo ng dayami at pagkain. Dinalhan din niya ng tubig ang alipin at ang mga kasama nito, upang makapaghugas sila ng paa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.