Genesis 24

Sumama ang alipin kay Laban. Pagdating nila sa bahay, ibinaba ni Laban ang mga karga ng mga kamelyo at binigyan niya agad ang mga kamelyo ng dayami at pagkain. Dinalhan din niya ng tubig ang alipin at ang mga kasama nito, upang makapaghugas sila ng paa.

Genesis 24:32 (UKJV) And the man came into the house: and he unbounded his camels, and gave straw and animal food for the camels, and water to wash his feet, and the men's feet that were with him.

30Noong nakita ni Laban ang singsing at pulseras na suot-suot ni Rebeca at narinig ang salaysay niya tungkol sa mga sinabi ng lalaki, pinuntahan niya ito at nakita niya itong nakatayo sa tabi ng mga kamelyo sa balon.

31Sinabi ni Laban sa kanya, “Kayo pala ang taong pinagpala ng Panginoon. Bakit pa kayo nakatayo lang diyan? Halikayo sa bahay, dahil inihanda ko na ang silid para sa iyo at ang lugar para sa mga kamelyo ninyo.”

32Sumama ang alipin kay Laban. Pagdating nila sa bahay, ibinaba ni Laban ang mga karga ng mga kamelyo at binigyan niya agad ang mga kamelyo ng dayami at pagkain. Dinalhan din niya ng tubig ang alipin at ang mga kasama nito, upang makapaghugas sila ng paa.

33Nang mabigyan na sila ng pagkain, sinabi ng alipin, “Hindi ako kakain hanggaʼt hindi ko pa nasasabi ang pakay ko sa pagpunta ko rito.” Sumagot si Laban, “Sige, sabihin nʼyo po sa amin.”

34Sinabi niya, “Alipin ako ni Abraham.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.