Genesis 24

Nang mabigyan na sila ng pagkain, sinabi ng alipin, “Hindi ako kakain hanggaʼt hindi ko pa nasasabi ang pakay ko sa pagpunta ko rito.” Sumagot si Laban, “Sige, sabihin nʼyo po sa amin.”

Genesis 24:33 (UKJV) And there was set food before him to eat: but he said, I will not eat, until I have told mine errand. And he said, Speak on.

31Sinabi ni Laban sa kanya, “Kayo pala ang taong pinagpala ng Panginoon. Bakit pa kayo nakatayo lang diyan? Halikayo sa bahay, dahil inihanda ko na ang silid para sa iyo at ang lugar para sa mga kamelyo ninyo.”

32Sumama ang alipin kay Laban. Pagdating nila sa bahay, ibinaba ni Laban ang mga karga ng mga kamelyo at binigyan niya agad ang mga kamelyo ng dayami at pagkain. Dinalhan din niya ng tubig ang alipin at ang mga kasama nito, upang makapaghugas sila ng paa.

33Nang mabigyan na sila ng pagkain, sinabi ng alipin, “Hindi ako kakain hanggaʼt hindi ko pa nasasabi ang pakay ko sa pagpunta ko rito.” Sumagot si Laban, “Sige, sabihin nʼyo po sa amin.”

34Sinabi niya, “Alipin ako ni Abraham.

35Pinagpala ng Panginoon ang aking amo at napakayaman na niya ngayon. Binigyan siya ng Panginoon ng maraming tupa, kambing, baka, kamelyo, asno, pilak, ginto at mga aliping lalaki at babae.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.