Genesis 24

Pumunta ka sa tahanan ng aking ama, at doon ka sa mga kamag-anak ko pumili ng mapapangasawa ng aking anak.’

Genesis 24:38 (UKJV) But you shall go unto my father's house, and to my kindred, and take a wife unto my son.

36Kahit matanda na ang asawa niyang si Sara, nagkaanak pa rin siya. At ang anak nilang lalaki ang siyang magmamana ng lahat ng ari-arian niya.

37Pinasumpa ako ng aking amo upang tuparin ko ang kanyang utos. Sinabi niya, ‘Huwag kang kukuha ng mapapangasawa ng anak ko sa mga anak ng mga Cananeo, na nakatira rito sa lupaing tinitirhan natin ngayon.

38Pumunta ka sa tahanan ng aking ama, at doon ka sa mga kamag-anak ko pumili ng mapapangasawa ng aking anak.’

39“Ngunit nagtanong ako, ‘Paano po kung hindi sumáma ang babae sa akin?’

40“Sumagot siya, ‘Ang Panginoon na sinusunod ko ay magpapadala ng anghel niya para samahan ka na mamagitan sa anak ko. Makakakita ka ng mapapangasawa ng anak ko mula sa aking mga kamag-anak, sa sambahayan ng aking ama.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.