35Pinagpala ng Panginoon ang aking amo at napakayaman na niya ngayon. Binigyan siya ng Panginoon ng maraming tupa, kambing, baka, kamelyo, asno, pilak, ginto at mga aliping lalaki at babae.
36Kahit matanda na ang asawa niyang si Sara, nagkaanak pa rin siya. At ang anak nilang lalaki ang siyang magmamana ng lahat ng ari-arian niya.
37Pinasumpa ako ng aking amo upang tuparin ko ang kanyang utos. Sinabi niya, ‘Huwag kang kukuha ng mapapangasawa ng anak ko sa mga anak ng mga Cananeo, na nakatira rito sa lupaing tinitirhan natin ngayon.
38Pumunta ka sa tahanan ng aking ama, at doon ka sa mga kamag-anak ko pumili ng mapapangasawa ng aking anak.’
39“Ngunit nagtanong ako, ‘Paano po kung hindi sumáma ang babae sa akin?’