Genesis 24

Kung papayag po siya na painumin ako pati ang mga kamelyo ko, nawaʼy siya na po ang babaeng pinili nʼyo na maging asawa ng anak ng aking amo.’

Genesis 24:44 (UKJV) And she say to me, Both drink you, and I will also draw for your camels: let the same be the woman whom the LORD has appointed out for my master's son.

42“Kaya pagdating ko kanina sa balon, nanalangin ako. Sinabi ko, ‘Panginoon, Diyos ng aking among si Abraham, nawaʼy magtagumpay po ako sa pakay ko rito, at ipakita ninyo ang inyong kabutihan sa aking amo.

43Ngayon po, nakatayo ako rito sa tabi ng balon. Kung may darating po na dalagang iigib ng tubig, hihingi ako ng kaunting tubig sa kanyang banga.

44Kung papayag po siya na painumin ako pati ang mga kamelyo ko, nawaʼy siya na po ang babaeng pinili nʼyo na maging asawa ng anak ng aking amo.’

45“Hindi pa nga ako natatapos sa aking pananalangin, dumating si Rebeca na may pasan-pasan na banga sa kanyang balikat. Bumaba siya papunta sa balon at umigib. Sinabi ko sa kanya, ‘Puwede mo ba akong painumin?’

46“Ibinaba niya agad ang banga mula sa kanyang balikat, at sinabi, ‘Sige, uminom po kayo, at paiinumin ko rin ang mga kamelyo ninyo.’ Kaya uminom ako at pinainom din niya ang mga kamelyo ko.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.