Genesis 24

“Kaya pagdating ko kanina sa balon, nanalangin ako. Sinabi ko, ‘Panginoon, Diyos ng aking among si Abraham, nawaʼy magtagumpay po ako sa pakay ko rito, at ipakita ninyo ang inyong kabutihan sa aking amo.

Genesis 24:42 (UKJV) And I came this day unto the well, and said, O LORD God of my master Abraham, if now you do prosper my way which I go:

40“Sumagot siya, ‘Ang Panginoon na sinusunod ko ay magpapadala ng anghel niya para samahan ka na mamagitan sa anak ko. Makakakita ka ng mapapangasawa ng anak ko mula sa aking mga kamag-anak, sa sambahayan ng aking ama.

41Kung doon ka pupunta sa mga kamag-anak ko, hindi darating sa iyo ang kasamaang sinasabi ko na mangyayari kung hindi mo tutuparin ang ating sumpaan, kahit hindi nila pasamahin ang babae sa iyo.’

42“Kaya pagdating ko kanina sa balon, nanalangin ako. Sinabi ko, ‘Panginoon, Diyos ng aking among si Abraham, nawaʼy magtagumpay po ako sa pakay ko rito, at ipakita ninyo ang inyong kabutihan sa aking amo.

43Ngayon po, nakatayo ako rito sa tabi ng balon. Kung may darating po na dalagang iigib ng tubig, hihingi ako ng kaunting tubig sa kanyang banga.

44Kung papayag po siya na painumin ako pati ang mga kamelyo ko, nawaʼy siya na po ang babaeng pinili nʼyo na maging asawa ng anak ng aking amo.’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.