Genesis 24

Kung doon ka pupunta sa mga kamag-anak ko, hindi darating sa iyo ang kasamaang sinasabi ko na mangyayari kung hindi mo tutuparin ang ating sumpaan, kahit hindi nila pasamahin ang babae sa iyo.’

Genesis 24:41 (UKJV) Then shall you be clear from this my oath, when you come to my kindred; and if they give not you one, you shall be clear from my oath.

39“Ngunit nagtanong ako, ‘Paano po kung hindi sumáma ang babae sa akin?’

40“Sumagot siya, ‘Ang Panginoon na sinusunod ko ay magpapadala ng anghel niya para samahan ka na mamagitan sa anak ko. Makakakita ka ng mapapangasawa ng anak ko mula sa aking mga kamag-anak, sa sambahayan ng aking ama.

41Kung doon ka pupunta sa mga kamag-anak ko, hindi darating sa iyo ang kasamaang sinasabi ko na mangyayari kung hindi mo tutuparin ang ating sumpaan, kahit hindi nila pasamahin ang babae sa iyo.’

42“Kaya pagdating ko kanina sa balon, nanalangin ako. Sinabi ko, ‘Panginoon, Diyos ng aking among si Abraham, nawaʼy magtagumpay po ako sa pakay ko rito, at ipakita ninyo ang inyong kabutihan sa aking amo.

43Ngayon po, nakatayo ako rito sa tabi ng balon. Kung may darating po na dalagang iigib ng tubig, hihingi ako ng kaunting tubig sa kanyang banga.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.