64Nang makita ni Rebeca si Isaac, bumaba siya sa kanyang kamelyo
65at nagtanong sa alipin ni Abraham, “Sino ang taong iyon na naglalakad sa bukid papalapit sa atin?” Sumagot ang alipin, “Siya ang aking amo.” Kaya tinakpan ni Rebeca ang kanyang mukha ng belo.
66Sinabi ng alipin kay Isaac ang lahat ng ginawa niya.
67Pagkatapos, dinala ni Isaac si Rebeca sa toldang tinitirhan noon ng kanyang inang si Sara. Naging asawa niya si Rebeca at mahal na mahal niya ito. Kaya naibsan ang kalungkutan ni Isaac na dulot ng pagkamatay ng kanyang ina.