7Dinala ako rito ng Panginoon, ang Diyos ng langit, mula sa sambahayan ng aking ama, sa lugar kung saan ako isinilang. At sumumpa siya na ibibigay niya ang lupaing ito ng Canaan sa mga lahi ko. Kaya lumakad ka dahil magpapadala ang Panginoon ng anghel niya na sasáma sa iyo upang makakita ka roon ng mapapangasawa ng anak ko.
8Kapag hindi sumáma sa iyo ang babae, wala kang pananagutan sa pagsumpa mong ito sa akin. Ngunit huwag mong dadalhin doon ang anak ko.”
9Kaya inilagay ng alipin ang kamay niya sa pagitan ng dalawang hita ni Abraham na kanyang amo, at sumumpa siya na susundin ang iniutos sa kanya.
10Pagkatapos, kumuha ang alipin ng sampung kamelyo at mga mamahaling regalo mula sa amo niyang si Abraham. Lumakad siya agad papunta sa Aram-naharaim, ang bayan na tinitirhan ni Nahor.
11Pagdating ng alipin sa bayan, pinaluhod niya ang mga kamelyo malapit sa balon sa labas ng bayan. Dapit-hapon noon at oras na ng pag-igib ng mga kababaihan.