1Matandang matanda na si Isaac at halos hindi na makakita. Isang araw, tinawag niya ang panganay niyang anak na si Esau. Sinabi niya, “Anak.” Sumagot si Esau, “Narito ako ama.”
2Sinabi ni Isaac, “Matanda na ako at hindi magtatagal ay mamamatay na ako.
3Mabuti pang kunin mo ang pana mo. Pumunta ka sa bukid at mangaso ka para sa akin.