Genesis 27

Nawaʼy bigyan ka ng Diyos ng lupaing masagana ang ani na palaging may hamog na biyaya niya, upang maging sagana ang pagkain at katas ng inumin mo.

Genesis 27:28 (UKJV) Therefore God give you of the dew of heaven, and the fatness of the earth, and plenty of corn and wine:

26Pagkatapos, sinabi ni Isaac sa kanya, “Lumapit ka sa akin, anak, at hagkan mo ako.”

27Lumapit si Jacob sa kanya at hinagkan ang kanyang ama. Nang maamoy ni Isaac ang damit nito, binasbasan niya agad si Jacob na nagsasabi, “Ang amoy ng aking anak ay katulad ng amoy ng bukid na binasbasan ng Panginoon.

28Nawaʼy bigyan ka ng Diyos ng lupaing masagana ang ani na palaging may hamog na biyaya niya, upang maging sagana ang pagkain at katas ng inumin mo.

29Nawaʼy magpasakop at maglingkod sa iyo ang maraming tao. Nawaʼy maghari ka sa mga kamag-anak mo at magpasakop sila sa iyo. Nawaʼy ang sumusumpa sa iyo ay susumpain din, at ang magpapala sa iyo ay pagpapalain din.”

30Pagkatapos basbasan ni Isaac si Jacob, lumakad agad si Jacob. Kaaalis lang niya ay dumating naman agad si Esau mula sa pangangaso.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.