24nagtanong pa siya, “Ikaw ba talaga si Esau?” Sumagot si Jacob, “Opo, ako nga po.”
25Sinabi ni Isaac, “Sige nga, dalhin mo rito ang niluto mo mula sa pinangaso mo, at pagkatapos kong kumain ay babasbasan kita.” Kayaʼt binigyan siya ni Jacob ng makakain at maiinom, at kumain siya at uminom.
26Pagkatapos, sinabi ni Isaac sa kanya, “Lumapit ka sa akin, anak, at hagkan mo ako.”
27Lumapit si Jacob sa kanya at hinagkan ang kanyang ama. Nang maamoy ni Isaac ang damit nito, binasbasan niya agad si Jacob na nagsasabi, “Ang amoy ng aking anak ay katulad ng amoy ng bukid na binasbasan ng Panginoon.
28Nawaʼy bigyan ka ng Diyos ng lupaing masagana ang ani na palaging may hamog na biyaya niya, upang maging sagana ang pagkain at katas ng inumin mo.