38Nagmakaawa pa si Esau sa kanyang ama, “Ama, wala na po bang kahit isang basbas? Basbasan nʼyo rin po ako.” At patuloy ang kanyang paghagulgol.
39Sinabi ni Isaac sa kanya, “Hindi aani ng sagana ang lupaing titirhan mo, at palagi itong walang hamog na biyaya ng Diyos.
40Palagi kang makikipaglaban, at maglilingkod ka sa iyong kapatid. Ngunit kung lalaban ka sa kanya, makakalaya ka sa kanyang kapangyarihan.”
41Kinapootan ni Esau si Jacob dahil sa basbas na ibinigay ng kanyang ama kay Jacob. Sinabi ni Esau sa kanyang sarili, “Malapit nang mamatay si ama; kapag namatay na siya, papatayin ko si Jacob.”
42Ngunit nabalitaan ni Rebeca ang balak ni Esau, kaya ipinatawag niya si Jacob at sinabi, “Ang kuya mong si Esau ay balak kang patayin upang mawala ang galit niya sa iyo.