4Pagkatapos, ipagluto mo ako ng paborito kong pagkain at dalhin mo agad ito upang makakain ako. At babasbasan kita bago ako mamatay.”
5Nakikinig pala si Rebeca habang kausap ni Isaac si Esau. Kaya nang pumunta si Esau sa bukid upang mangaso,
6kinausap ni Rebeca ang anak niyang si Jacob, “Narinig ko ang sinabi ng iyong ama kay Esau na
7mangaso at agad siyang ipagluto ng paborito niyang pagkain. Sapagkat bago raw siya mamatay babasbasan niya si Esau sa harapan ng Panginoon.
8Kaya anak, sundin mo ang iuutos ko sa iyo: