Genesis 28

Pinangalanan ni Jacob ang lugar na iyon na Betel. Dati ay Luz ang pangalan ng lugar na iyon.

Genesis 28:19 (UKJV) And he called the name of that place Bethel: but the name of that city was called Luz at the first.

17Natakot siya at sinabi, “Kakila-kilabot ang lugar na ito! Tiyak na tahanan ito ng Diyos at ito ang pintuan ng langit.”

18Maagang bumangon si Jacob. Kinuha niya ang batong inunan niya noong gabi at itinayo bilang isang alaala. Pagkatapos, binuhusan niya ito ng langis.

19Pinangalanan ni Jacob ang lugar na iyon na Betel. Dati ay Luz ang pangalan ng lugar na iyon.

20Sumumpa si Jacob na nagsabi, “Kung sasamahan po ninyo ako, aking Diyos, at babantayan ako sa aking paglalakbay, at bibigyan din ako ng pagkain at damit,

21hanggang sa makakabalik po akong muli sa bahay ng aking ama nang matiwasay, kikilalanin ko po kayo, Panginoon, na aking Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.