9Nang hindi na magkaanak si Lea, pinasipingan niya kay Jacob ang alipin niyang si Zilpa.
10Nabuntis si Zilpa at nanganak ng lalaki.
11Sinabi ni Lea, “Mapalad ako.” Kaya pinangalanan niya ang sanggol na Gad.
12Muling nanganak si Zilpa ng lalaki na pangalawang anak nila ni Jacob.
13Sinabi ni Lea, “Lubha akong nasisiyahan! Ngayon tatawagin ako ng mga babae na masiyahin.” Kaya pinangalanan niya ang sanggol na Asher.