24Kaya pinangalanan niya ang sanggol na Jose dahil sinabi niya, “Nawaʼy bigyan ako ng Panginoon ng isa pang anak.”
25Pagkatapos na ipanganak ni Raquel si Jose, sinabi ni Jacob kay Laban, “Pahintulutan nʼyo akong makauwi sa lugar namin.
26Ibigay nʼyo sa akin ang mga asawa ko, na ipinaglingkod ko sa inyo, at ang mga anak ko, dahil babalik na ako sa amin. Nalalaman nʼyo kung paano ako naglingkod sa inyo.”
27Sumagot si Laban, “Kung maaari huwag muna. Ayon sa pagpapahula ko, nalaman ko na pinagpala ako ng Panginoon dahil sa iyo.
28Sabihin mo lang kung magkano ang ibabayad ko sa iyo at babayaran kita.”