Genesis 30

Kaya pinangalanan niya ang sanggol na Jose dahil sinabi niya, “Nawaʼy bigyan ako ng Panginoon ng isa pang anak.”

Genesis 30:24 (UKJV) And she called his name Joseph; and said, The LORD shall add to me another son.

22Hindi rin kinalimutan ng Diyos si Raquel. Sinagot niya ang kanyang panalangin na magkaanak din siya.

23Nagbuntis siya at nanganak ng lalaki. Sinabi niya, “Inalis ng Diyos ang aking kahihiyan.”

24Kaya pinangalanan niya ang sanggol na Jose dahil sinabi niya, “Nawaʼy bigyan ako ng Panginoon ng isa pang anak.”

25Pagkatapos na ipanganak ni Raquel si Jose, sinabi ni Jacob kay Laban, “Pahintulutan nʼyo akong makauwi sa lugar namin.

26Ibigay nʼyo sa akin ang mga asawa ko, na ipinaglingkod ko sa inyo, at ang mga anak ko, dahil babalik na ako sa amin. Nalalaman nʼyo kung paano ako naglingkod sa inyo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.