27Sumagot si Laban, “Kung maaari huwag muna. Ayon sa pagpapahula ko, nalaman ko na pinagpala ako ng Panginoon dahil sa iyo.
28Sabihin mo lang kung magkano ang ibabayad ko sa iyo at babayaran kita.”
29Sinabi ni Jacob, “Alam mo kung paano ako naglingkod sa inyo at kung paano dumami ang mga hayop ninyo dahil sa pag-aalaga ko.
30Nang dumating ako rito, kakaunti pa lang ang mga hayop nʼyo, ngunit ngayon ay napakarami na, dahil pinagpala kayo ng Panginoon dahil sa akin. Ngayon, dapat na sigurong magsumikap ako para sa sarili kong sambahayan.”
31Nagtanong si Laban, “Ano ba ang gusto mong ibayad ko sa iyo?” Sumagot si Jacob, “Huwag nʼyo na lang po akong bayaran. Ipagpapatuloy ko ang pag-aalaga sa inyong mga kawan kung papayag kayo sa aking kundisyon: