Genesis 30

Balang araw, mapapatunayan ninyo ang aking katapatan tuwing susuriin nʼyo ang mga hayop na ibinayad nʼyo sa akin. Kung may makikita po kayong kambing na hindi batik-batik o tupa na hindi itim, ituring nʼyong ninakaw ko ito.”

Genesis 30:33 (UKJV) So shall my righteousness answer for me in time to come, when it shall come for my hire before your face: every one that is not speckled and spotted among the goats, and brown among the sheep, that shall be counted stolen with me.

31Nagtanong si Laban, “Ano ba ang gusto mong ibayad ko sa iyo?” Sumagot si Jacob, “Huwag nʼyo na lang po akong bayaran. Ipagpapatuloy ko ang pag-aalaga sa inyong mga kawan kung papayag kayo sa aking kundisyon:

32Titingnan ko ngayon ang mga hayop nʼyo at ibubukod ko ang itim na mga tupa at batik-batik na mga tupa at kambing. Iyon na lang ang pinakabayad nʼyo sa akin.

33Balang araw, mapapatunayan ninyo ang aking katapatan tuwing susuriin nʼyo ang mga hayop na ibinayad nʼyo sa akin. Kung may makikita po kayong kambing na hindi batik-batik o tupa na hindi itim, ituring nʼyong ninakaw ko ito.”

34Sumagot si Laban, “Kung ganyan ang gusto mo, payag ako.”

35Ngunit nang araw ding iyon, ibinukod ni Laban ang mga batik-batik na kambing na lalaki at babae, pati ang mga itim na tupa. Pinaalagaan niya ito sa mga anak niyang lalaki.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.