Genesis 31

Sinabi pa ni Jacob, “Noong panahon ng pagkakastahan ng mga hayop, nanaginip ako. Nakita ko na ang mga lalaking kambing na kumakasta sa mga babaeng kambing ay mga batik-batik.

Genesis 31:10 (UKJV) And it came to pass at the time that the cattle conceived, that I lifted up mine eyes, and saw in a dream, and, behold, the rams which leaped upon the cattle were striped with bands, speckled, and greyed.

8Nang sinabi nga ni Laban na ang batik-batik na mga kambing ang siyang bayad ko, panay din batik-batik ang anak ng mga kambing.

9Kinuha ng Diyos ang mga hayop ng inyong ama at ibinigay sa akin.”

10Sinabi pa ni Jacob, “Noong panahon ng pagkakastahan ng mga hayop, nanaginip ako. Nakita ko na ang mga lalaking kambing na kumakasta sa mga babaeng kambing ay mga batik-batik.

11Sa panaginip ko tinawag ako ng anghel ng Diyos. Sinabi niya, ‘Jacob!’ Sumagot ako sa kanya, ‘Narito po ako.’

12At sinabi niya, ‘Masdan mo at makikita mo na ang lahat ng lalaking kambing na kumakasta sa mga babaeng kambing ay mga batik-batik. Ginawa ko ito dahil nakita ko ang lahat ng ginagawa sa iyo ni Laban.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.