Genesis 31

Ang lahat ng yaman na kinuha ng Diyos sa kanya ay maituturing namin na mamanahin namin at ng aming mga anak. Kaya gawin mo ang sinabi sa iyo ng Diyos.”

Genesis 31:16 (UKJV) For all the riches which God has taken from our father, that is ours, and our children's: now then, whatsoever God has said unto you, do.

14Sumagot si Raquel at si Lea kay Jacob, “Wala na kaming mamanahin sa aming ama.

15Ibang tao na kami sa paningin niya. Ipinagbili na kami at naubos na niya ang perang pinagbilhan namin.

16Ang lahat ng yaman na kinuha ng Diyos sa kanya ay maituturing namin na mamanahin namin at ng aming mga anak. Kaya gawin mo ang sinabi sa iyo ng Diyos.”

17Kaya pinasakay ni Jacob ang kanyang mga anak at mga asawa sa mga kamelyo.

18Dinala rin niya ang lahat ng kanyang mga alagang hayop at ang lahat ng kanyang ari-ariang naipon niya sa Padan-aram. Pagkatapos, naglakbay na sila upang bumalik sa Canaan, sa lupain ng kanyang ama na si Isaac.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.