Genesis 31

May kapangyarihan akong gawan ka ng masama, ngunit kagabi, binalaan ako ng Diyos ng iyong ama. Sinabi niya, ‘Mag-ingat ka, huwag kang magsasabi ng kahit ano kay Jacob, mabuti man o masama.’

Genesis 31:29 (UKJV) It is in the power of my hand to do you hurt: but the God of your father spoke unto me last night, saying, Take you heed that you speak not to Jacob either good or bad.

27Bakit niloko mo ako at umalis nang hindi nagpapaalam sa akin? Kung nagsabi ka lang, paglalakbayin pa sana kita nang may kagalakan sa pamamagitan ng tugtugan ng tamburin at alpa.

28Hindi mo man lang ako binigyan ng pagkakataong mahagkan ang aking mga apo at mga anak bago sila umalis. Hindi maganda itong ginawa mo.

29May kapangyarihan akong gawan ka ng masama, ngunit kagabi, binalaan ako ng Diyos ng iyong ama. Sinabi niya, ‘Mag-ingat ka, huwag kang magsasabi ng kahit ano kay Jacob, mabuti man o masama.’

30Alam kong sabik na sabik ka nang umuwi. Ngunit bakit mo ninakaw ang aking mga diyos?”

31Sumagot si Jacob sa kanya, “Hindi ako nagpaalam sa inyo dahil natatakot ako na baka pilitin nʼyong bawiin sa akin ang inyong mga anak.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.