Genesis 31

Ngunit kung tungkol sa mga nawawala ninyong diyos-diyosan, kapag nakita nʼyo ito sa kahit sino sa amin, parurusahan siya ng kamatayan. Sa harapan ng mga kamag-anak natin bilang mga saksi, tingnan nʼyo kung may pag-aari po kayo rito na nasa amin, at kung mayroon ay kunin nʼyo.” Hindi alam ni Jacob na si Raquel pala ang kumuha ng mga diyos-diyosan ni Laban.

Genesis 31:32 (UKJV) With whomsoever you find your gods, let him not live: before our brethren discern you what is yours with me, and take it to you. For Jacob knew not that Rachel had stolen them.

30Alam kong sabik na sabik ka nang umuwi. Ngunit bakit mo ninakaw ang aking mga diyos?”

31Sumagot si Jacob sa kanya, “Hindi ako nagpaalam sa inyo dahil natatakot ako na baka pilitin nʼyong bawiin sa akin ang inyong mga anak.

32Ngunit kung tungkol sa mga nawawala ninyong diyos-diyosan, kapag nakita nʼyo ito sa kahit sino sa amin, parurusahan siya ng kamatayan. Sa harapan ng mga kamag-anak natin bilang mga saksi, tingnan nʼyo kung may pag-aari po kayo rito na nasa amin, at kung mayroon ay kunin nʼyo.” Hindi alam ni Jacob na si Raquel pala ang kumuha ng mga diyos-diyosan ni Laban.

33Kaya hinanap ni Laban ang mga diyos-diyosan niya sa tolda ni Jacob, sa tolda ni Lea, at pati sa tolda ng dalawang aliping babae na mga asawa ni Jacob. Ngunit hindi niya nakita ang mga ito. Paglabas niya sa tolda ni Lea, pumasok siya sa tolda ni Raquel.

34Ngunit naitago na ni Raquel ang mga diyos-diyosan sa lalagyan na ginagamit na upuan sa pagsakay sa kamelyo, at inupuan niya. Hinanap ni Laban ang mga diyos-diyosan sa tolda ni Raquel ngunit hindi niya ito makita.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.