43Sumagot si Laban, “Ang mga babaeng iyan ay aking mga anak at ang mga anak nila ay aking mga apo. At ang mga hayop na iyan ay akin din. Lahat ng nakikita mo ay akin. Ngunit ngayon, ano pa ang magagawa ko sa mga anak at apo ko?
44Ang mabuti siguro, gumawa tayo ng kasunduan. Magtayo tayo ng batong magpapaalala sa atin at magpapatunay ng kasunduan natin.”
45Kaya kumuha si Jacob ng malaking bato at itinayo niya ito bilang alaala.
46Pagkatapos, inutusan niya ang mga kamag-anak niya na magtumpok ng mga bato. At kumain sila roon sa tinumpok na mga bato.
47Pinangalanan ni Laban ang tinumpok na mga bato na Jegar-sahaduta. Ngunit pinangalanan ito ni Jacob na Galeed.