51Muli pang sinabi ni Laban kay Jacob, “Narito ang tinumpok na mga bato at ang bato na alaalang magpapatunay ng kasunduan natin.
52Ang mga tinumpok na batong ito at ang bato na alaala ang siyang magpapatunay ng ating kasunduan na hindi ako lalampas sa tinumpok na mga batong ito upang lusubin ka, at hindi ka rin lalampas sa tinumpok na mga batong ito at sa bato na alaala upang lusubin ako.
53Nawaʼy ang Diyos ng iyong lolong si Abraham at ang Diyos ng aking amang si Nahor, na siya ring Diyos ng kanilang amang si Tera, ang siyang humatol sa ating dalawa.” Kaya nakipagkasundo si Jacob kay Laban sa pangalan ng Diyos na iginagalang ng ama niyang si Isaac.
54Naghandog si Jacob ng hayop doon sa bundok, at tinawag niya ang mga kamag-anak niya upang kumain. Kinagabihan, doon sila natulog sa bundok.
55Kinabukasan, maaga pa ay hinagkan ni Laban at binasbasan ang mga anak at apo niya, at umalis siya pauwi.