Genesis 31

Naghandog si Jacob ng hayop doon sa bundok, at tinawag niya ang mga kamag-anak niya upang kumain. Kinagabihan, doon sila natulog sa bundok.

Genesis 31:54 (UKJV) Then Jacob offered sacrifice upon the mount, and called his brethren to eat bread: and they did eat bread, and tarried all night in the mount.

52Ang mga tinumpok na batong ito at ang bato na alaala ang siyang magpapatunay ng ating kasunduan na hindi ako lalampas sa tinumpok na mga batong ito upang lusubin ka, at hindi ka rin lalampas sa tinumpok na mga batong ito at sa bato na alaala upang lusubin ako.

53Nawaʼy ang Diyos ng iyong lolong si Abraham at ang Diyos ng aking amang si Nahor, na siya ring Diyos ng kanilang amang si Tera, ang siyang humatol sa ating dalawa.” Kaya nakipagkasundo si Jacob kay Laban sa pangalan ng Diyos na iginagalang ng ama niyang si Isaac.

54Naghandog si Jacob ng hayop doon sa bundok, at tinawag niya ang mga kamag-anak niya upang kumain. Kinagabihan, doon sila natulog sa bundok.

55Kinabukasan, maaga pa ay hinagkan ni Laban at binasbasan ang mga anak at apo niya, at umalis siya pauwi.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.