Genesis 31

ngunit dinaya pa niya ako. Sampung beses niyang binago ang kabayaran ko. Ngunit hindi ako pinabayaan ng Diyos na api-apihin lang niya.

Genesis 31:7 (UKJV) And your father has deceived me, and changed my wages ten times; but God suffered him not to hurt me.

5Sinabi niya sa kanila, “Napansin ko na nag-iba na ang pakikitungo ng inyong ama sa akin di tulad nang dati. Ngunit hindi ako pababayaan ng Diyos ng aking Ama.

6Alam naman ninyo na naglingkod ako sa inyong ama hanggang sa makakaya ko,

7ngunit dinaya pa niya ako. Sampung beses niyang binago ang kabayaran ko. Ngunit hindi ako pinabayaan ng Diyos na api-apihin lang niya.

8Nang sinabi nga ni Laban na ang batik-batik na mga kambing ang siyang bayad ko, panay din batik-batik ang anak ng mga kambing.

9Kinuha ng Diyos ang mga hayop ng inyong ama at ibinigay sa akin.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.