Genesis 32

Habang naglalakbay sina Jacob, sinalubong siya ng mga anghel ng Diyos.

Genesis 32:1 (UKJV) And Jacob went on his way, and the angels of God met him.

1Habang naglalakbay sina Jacob, sinalubong siya ng mga anghel ng Diyos.

2Pagkakita ni Jacob sa kanila, sinabi niya, “Mga sundalo ito ng Diyos.” Kaya pinangalanan niya ang lugar na iyon na Mahanaim.

3May mga isinugo si Jacob na nauna sa kanya sa kapatid niyang si Esau sa lupain ng Seir, ang bayang tinatawag ding Edom.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.