Genesis 32

May mga isinugo si Jacob na nauna sa kanya sa kapatid niyang si Esau sa lupain ng Seir, ang bayang tinatawag ding Edom.

Genesis 32:3 (UKJV) And Jacob sent messengers before him to Esau his brother unto the land of Seir, the country of Edom.

1Habang naglalakbay sina Jacob, sinalubong siya ng mga anghel ng Diyos.

2Pagkakita ni Jacob sa kanila, sinabi niya, “Mga sundalo ito ng Diyos.” Kaya pinangalanan niya ang lugar na iyon na Mahanaim.

3May mga isinugo si Jacob na nauna sa kanya sa kapatid niyang si Esau sa lupain ng Seir, ang bayang tinatawag ding Edom.

4Inutusan niya sila: “Ito ang sasabihin ninyo kay Esau na aking panginoon: ‘Ang inyong lingkod na si Jacob ay matagal na nanirahan kay Laban at nanatili siya roon hanggang ngayon.

5At mayroon na po siyang mga baka, asno, tupa, kambing, at mga aliping lalaki at babae. Isinugo po niya kami para sabihin ito sa inyo upang malugod po kayo sa kanya.’ ”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.