Genesis 32

At mayroon na po siyang mga baka, asno, tupa, kambing, at mga aliping lalaki at babae. Isinugo po niya kami para sabihin ito sa inyo upang malugod po kayo sa kanya.’ ”

Genesis 32:5 (UKJV) And I have oxen, and asses, flocks, and male servants, and female servants: and I have sent to tell my lord, that I may find grace in your sight.

3May mga isinugo si Jacob na nauna sa kanya sa kapatid niyang si Esau sa lupain ng Seir, ang bayang tinatawag ding Edom.

4Inutusan niya sila: “Ito ang sasabihin ninyo kay Esau na aking panginoon: ‘Ang inyong lingkod na si Jacob ay matagal na nanirahan kay Laban at nanatili siya roon hanggang ngayon.

5At mayroon na po siyang mga baka, asno, tupa, kambing, at mga aliping lalaki at babae. Isinugo po niya kami para sabihin ito sa inyo upang malugod po kayo sa kanya.’ ”

6Pagbalik ng mga sugong inutusan ni Jacob, sinabi nila, “Napuntahan na po namin ang inyong kapatid na si Esau, at papunta na po siya rito para salubungin kayo. May kasama siyang apatnaraang lalaki.”

7Kinabahan si Jacob at hindi siya mapalagay, kaya hinati niya sa dalawang grupo ang mga kasamahan niya pati ang kanyang mga tupa, baka, kambing at kamelyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.