Genesis 32

Pagbalik ng mga sugong inutusan ni Jacob, sinabi nila, “Napuntahan na po namin ang inyong kapatid na si Esau, at papunta na po siya rito para salubungin kayo. May kasama siyang apatnaraang lalaki.”

Genesis 32:6 (UKJV) And the messengers returned to Jacob, saying, We came to your brother Esau, and also he comes to meet you, and four hundred men with him.

4Inutusan niya sila: “Ito ang sasabihin ninyo kay Esau na aking panginoon: ‘Ang inyong lingkod na si Jacob ay matagal na nanirahan kay Laban at nanatili siya roon hanggang ngayon.

5At mayroon na po siyang mga baka, asno, tupa, kambing, at mga aliping lalaki at babae. Isinugo po niya kami para sabihin ito sa inyo upang malugod po kayo sa kanya.’ ”

6Pagbalik ng mga sugong inutusan ni Jacob, sinabi nila, “Napuntahan na po namin ang inyong kapatid na si Esau, at papunta na po siya rito para salubungin kayo. May kasama siyang apatnaraang lalaki.”

7Kinabahan si Jacob at hindi siya mapalagay, kaya hinati niya sa dalawang grupo ang mga kasamahan niya pati ang kanyang mga tupa, baka, kambing at kamelyo.

8Dahil naisip niya na kung sakaling dumating si Esau at lusubin ang isang grupo, makakatakas pa ang isang grupo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.