22Nang gabing iyon, bumangon si Jacob at isinama ang dalawa niyang asawa, ang dalawang alipin niyang babae at ang labing-isang anak niya, at pinatawid sila sa Ilog ng Jaboc.
23Ipinatawid din ni Jacob ang lahat ng ari-arian niya.
24Nang nag-iisa na siya, may dumating na isang lalaki at nakipagbuno sa kanya. Nagbunuan sila hanggang mag-uumaga.
25Nang mapansin niya na hindi niya matatalo si Jacob, pinisil niya ang balakang ni Jacob at nalinsad ang magkatapat na buto nito.
26At sinabi ng lalaki, “Bitawan mo na ako dahil mag-uumaga na.” Ngunit sumagot si Jacob, “Hindi kita bibitawan hanggaʼt hindi mo ako babasbasan.”