20At pinaalalahanan niya ang mga ito na huwag kalimutang sabihin kay Esau na nakasunod siya sa hulihan. Sapagkat sinabi ni Jacob sa kanyang sarili, “Aalukin ko si Esau ng mga regalong pinauna ko. At kung magkikita kami, baka sakaling tatanggapin niya ako.”
21Kaya pinauna niya ang mga regalo niya, ngunit nagpaiwan siya noong gabing iyon doon sa tinutuluyan nila.
22Nang gabing iyon, bumangon si Jacob at isinama ang dalawa niyang asawa, ang dalawang alipin niyang babae at ang labing-isang anak niya, at pinatawid sila sa Ilog ng Jaboc.
23Ipinatawid din ni Jacob ang lahat ng ari-arian niya.
24Nang nag-iisa na siya, may dumating na isang lalaki at nakipagbuno sa kanya. Nagbunuan sila hanggang mag-uumaga.